16 Kaya dinala siya ng mga kawal sa loob ng bulwagan na tinatawag na Pretorio at tinawag nilang magtipon ang buong batalyon.
Matthew 24
14 At itong ebanghelyo ng paghahari ng Diyos ay maipapahayag sa buong sanlibutan bilang patotoo sa lahat ng mga bansa at pagkatapos nito ay darating ang wakas.
Matthew 28
19 Kaya sa inyong paghayo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na binabawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu,
Revelation 14
6 At nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa kalagitnaan ng langit na nagtataglay ng walang hanggang ebanghelyo upang ipahayag sa kanila na mga naninirahan sa daigdig at sa bawat bansa at lipi at wika at bayan,7 na sinasabi sa pamamagitan ng malakas na tinig, “Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya sapagkat dumating na ang oras ng kaniyang paghuhukom at sambahin ninyo siya, na siyang gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng mga tubig.”8 At may isa pang anghel ang sumunod na nagsasabi, “Bumagsak na siya, bumagsak na ang Babilonia, ang dakilang lungsod na iyon dahil ang lahat ng mga bansa ay kaniyang pinainom ng alak ng poot ng kaniyang pakikiapid.”9 At ang pangatlong anghel ay sumunod sa kanila na sa pamamagitan ng malakas na tinig ay sinasabi, “Kung ang sinuman ay sumasamba sa mabangis na hayop at sa kaniyang larawan at tinatanggap ang tatak sa kaniyang noo o sa kaniyang kamay,
Revelation 15
4 O Panginoon, sino ang hindi matatakot sa iyo at hindi magbibigay ng kaluwalhatian sa iyong pangalan? Sapagkat ikaw lamang ang banal, at ang lahat ng mga bansa ay darating at sasamba sa harapan mo sapagkat ang iyong kahatulan ay nahayag.”