59 At pagkalipas nang halos isang oras, may isang mariing nagsalita na sinasabi, “Totoo na ang isa ring ito ay kasama niya sapagkat siya rin ay taga-Galilea.”60 Subalit sinabi ni Pedro, “Ginoo, hindi ko alam ang sinasabi mo.” At habang siya ay nagsasalita pa, ang tandang ay tumilaok kaagad.61 At nang lumingon ang Panginoon, tiningnan niya si Pedro. At naalala ni Pedro ang salita ng Panginoon katulad ng sinabi niya sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang, ipagkakaila mo ako ng tatlong ulit.”