1 At sa mga araw na iyon ay dumating si Juan na tagapagbawtismo na nangangaral sa ilang ng Judea,2 at nagsasabi, “Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng langit.”3 Sapagkat siya yaong ipinahayag ni propeta Isaias na sinasabi, “Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang landas ng Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang kaniyang mga landas.’ ” Isa 40:3