15 At sa mga araw na iyon, tumindig si Pedro sa kalagitnaan ng mga alagad (ang bilang ng napakaraming tao sa dakong iyon ay halos isandaan at dalawampu), sinabi niya,16 “Mga ginoo, mga kapatid, kinakailangang maganap ang mga Kasulatang ito yaong sinabi ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng bibig ni David patungkol kay Judas na naging gabay ng mga dumakip kay Jesus17 sapagkat ibinilang siyang kasama natin at tinanggap ang bahagi ng paglilingkod na ito.”18 (Kaya nga ang lalaking ito ay bumili ng lupain mula sa kabayaran ng kalikuan. At nang bumagsak siyang nauna ang ulo, bumuka ang kaniyang tiyan at sumambulat ang lahat ng kaniyang mga lamang-loob.19 Ito ay nalaman ng lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem, kaya ang itinawag sa lupaing iyon ay Akeldama sa kanilang sariling wika, na ang ibig sabihin ay Lupain ng Dugo.)20 “Sapagkat ito ang nasusulat sa aklat ng mga Awit, ‘Hayaan ang kaniyang tirahan ay maging mapanglaw at huwag hayaang manirahan doon ang sinuman’ Awi 69:25 at ‘hayaang kunin ng iba ang kaniyang pamamahala.’ Awi 109:821 “Kaya sa mga lalaking nakasama natin sa lahat ng panahon nang ang Panginoong Jesus ay pumaroon at pumarito sa atin22 mula sa simula ng bawtismo ni Juan, hanggang sa araw na si Jesus ay dinalang paitaas mula sa atin, isa sa mga ito ang kinakailangang maging kasama natin na tagapagpatotoo sa kaniyang muling pagkabuhay.”23 Kaya iniharap nila ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas na ang palayaw ay Justo, at si Matias.24 At sila ay nanalangin at nagsabi, “Panginoon, ikaw na nakakaalam ng mga puso ng lahat, ipakita mo sa amin mula sa dalawang ito ang iyong pinili25 upang tanggapin ang bahaging paglilingkod na ito at ang pagkaapostol, na sinalangsang ni Judas upang pumunta siya sa dakong itinalaga sa kaniya.”26 At ibinigay nila ang kanilang bahagi sa palabunutan at nahulog ang bahagi sa palabunutan kay Matias, at siya ay ibinilang sa labing-isang apostol.
Acts 2
1 Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nasa isang pook na nagkakaisa.
Luke 24
49 Kaya narito, ipinapadala ko ang pangako ng aking Ama sa inyo. Ngunit kayo ay manatili sa lungsod ng Jerusalem hanggang sa kayo ay mabihisan ng kapangyarihang mula sa itaas.”