25 Narito, isang dalubhasa sa kautusan ang tumayo upang subukin si Jesus at sinabi, “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magmana ako ng buhay na walang hanggan?”26 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ano ang nasusulat sa Kautusan? Ano ang pagkabasa mo?”27 Kaya sumagot siya at sinabi, “ ‘Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong lakas mo at nang buong pag-iisip mo,’ Deu 6:5 at iibigin mo ‘ang iyong kapwa katulad ng iyong sarili.’ ” Lev 19:1828 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tama ang isinagot mo, gawin mo ito at ikaw ay mabubuhay.”29 Ngunit dahil ibig niyang ituring na matuwid ang kaniyang sarili, sinabi niya kay Jesus, “At sino ang aking kapwa?”30 At sumagot si Jesus na sinabi, “May isang lalaking bumaba mula sa Jerusalem patungong Jerico at siya ay pinalibutan ng mga tulisan. Pagkatapos nila siyang hubaran at sugatan, sila ay umalis at iniwan siyang nag-aagaw buhay.31 At nagkataong may isang saserdote ang lumusong sa daang iyon at pagkakita sa kaniya, siya ay dumaan sa kabilang tabi.32 At gayundin naman, ang isang Levita ay napadako rin sa lugar na iyon. Nang siya ay dumating at kaniyang nakita, siya ay dumaan sa kabilang tabi.33 Subalit may isang Samaritano na habang naglalakbay ay dumating sa kinaroroonan niya at nang nakita niya, siya ay nahabag.34 At nang siya ay nakalapit sa kaniya, tinalian niya ang kaniyang mga sugat at binuhusan ito ng langis at alak, at isinakay siya sa kaniyang sariling hayop at dinala siya sa isang bahay-panuluyan at siya ay inalagaan.35 At kinabukasan, nang siya ay umalis, kumuha siya ng dalawang denaryo° at ibinigay ang mga ito sa tagapamahala ng bahay-panuluyan at sinabi sa kaniya, ‘Alagaan mo siya at ano pa man ang iyong magugugol ay babayaran ko sa iyo sa aking pagbabalik.’36 Sino ngayon sa tatlong ito ang ipinapalagay mong naging kapwa tao ng lalaking nahulog sa mga tulisan?”37 At sinabi niya, “Siya na gumawa ng kahabagan sa kaniya.” Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya, “Humayo ka at gayon ang iyong gawin.”