18 Narito, may mga lalaking nagdadala ng isang taong naparalisa na nasa isang higaan at sila ay naghahanap ng paraan kung paano siya maipasok at mailagay sa harapan ni Jesus.19 At nang sila ay hindi makahanap ng paraan kung paano siya maipasok dahil sa napakaraming tao, sila ay umakyat sa bubungan at sa lagusan sa bubong ay ihinugos siya kasama ang kaniyang higaan sa kalagitnaan, sa harapan ni Jesus.20 Nang nakita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa kaniya, “Lalaki, napatawad na ang iyong mga kasalanan.”21 Nagsimulang magbigay-katuwiran ang mga eskriba at mga Fariseo na sinasabi, “Sino itong nagsasalita ng mga paglapastangan? Sino ang makakapagpatawad ng mga kasalanan maliban sa Diyos lamang?”22 Ngunit dahil batid ni Jesus ang kanilang pagtatalu-talo, siya ay sumagot na sinabi sa kanila, “Bakit kayo nagtatalu-talo sa inyong mga puso?23 Ano ang higit na madaling sabihin, ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o ang sabihin, ‘Bumangon ka at lumakad ka’?24 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan” (sinabi niya sa paralitiko), “Sinasabi ko sa iyo, Bumangon ka at buhatin mo ang iyong higaan at umuwi ka sa iyong bahay.”25 At kaagad siyang tumayo sa harapan nila at binuhat niya ang kaniyang hinihigaan at siya ay umuwi sa kaniyang bahay na niluluwalhati ang Diyos.26 At ang lahat ay namangha at niluwalhati nila ang Diyos at sila ay napuspos ng takot na sinasabi, “Kami ay nakakita ng hindi kapani-paniwalang mga bagay sa araw na ito.”