30 At sumagot si Jesus na sinabi, “May isang lalaking bumaba mula sa Jerusalem patungong Jerico at siya ay pinalibutan ng mga tulisan. Pagkatapos nila siyang hubaran at sugatan, sila ay umalis at iniwan siyang nag-aagaw buhay.31 At nagkataong may isang saserdote ang lumusong sa daang iyon at pagkakita sa kaniya, siya ay dumaan sa kabilang tabi.32 At gayundin naman, ang isang Levita ay napadako rin sa lugar na iyon. Nang siya ay dumating at kaniyang nakita, siya ay dumaan sa kabilang tabi.33 Subalit may isang Samaritano na habang naglalakbay ay dumating sa kinaroroonan niya at nang nakita niya, siya ay nahabag.34 At nang siya ay nakalapit sa kaniya, tinalian niya ang kaniyang mga sugat at binuhusan ito ng langis at alak, at isinakay siya sa kaniyang sariling hayop at dinala siya sa isang bahay-panuluyan at siya ay inalagaan.