Kun Jeesus on ristiinnaulittu Pietari ja muut opetuslapset kalastavat. Heillä ei ole onnea, kun Jeesus ilmestyy ja käskee heitä kalastamaan veneen toisella puolella. He tekivät valtavan saaliin.
1 Pagkatapos ng mga bagay na ito, ipinakitang muli ni Jesus ang kaniyang sarili sa kaniyang mga alagad sa tabi ng dagat ng Tiberias, at sa ganitong paraan siya nagpakita:2 Magkakasama si Simon Pedro, si Tomas na tinatawag na Didymus, si Natanael na taga-Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo at dalawa pa sa kaniyang mga alagad.3 Sinabi ni Simon Pedro sa kanila, “Aalis ako upang mangisda.” Sinabi nila sa kaniya, “Sasama rin kami sa iyo.” Lumabas sila at sumakay kaagad sa bangka ngunit wala silang nahuli nang gabing iyon.4 Subalit nang nag-uumaga na, si Jesus ay tumayo sa tabing-dagat, gayunpaman hindi nakilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus.5 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Mga anak, wala ba kayong makakain?” Sumagot sila sa kaniya, “Wala.”6 At sinabi niya sa kanila, “Ihulog ninyo ang lambat sa bahaging kanan ng bangka at makakatagpo kayo.” Kaya inihulog nila ang lambat at hindi na nila ito kayang hilahin dahil sa dami ng isda.7 Kaya ang alagad na iyon na iniibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro, “Ang Panginoon iyon!” Nang narinig nga ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, isinuot niya ang kaniyang pang-ibabaw na damit (sapagkat siya ay nakahubad) at tumalon siya sa dagat.8 Subalit ang ibang mga alagad na nakasakay sa maliit na bangka ay dumating na hila-hila ang lambat na may mga isda (sapagkat hindi sila gaanong malayo sa dalampasigan kundi halos dalawandaang siko lamang).