Erityinen lounas
| Avainsanat | koleksyon pagpapakain tanghalian |
|---|---|
| Secondary Keywords | 5000 Elämää espesyal ibahagi Lapsilapsen lapsi lapsi Poika poika |
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 6:1-14 |
John 61 Pagkatapos ng mga bagay na ito, pumunta si Jesus sa kabilang ibayo ng dagat ng Galilea, ito ang dagat ng Tiberias.2 Nagsisunod sa kaniya ang lubhang napakaraming tao dahil nakikita nila ang mga tanda na ginagawa niya sa mga may karamdaman.3 Ngunit umakyat si Jesus sa bundok at naupo siya roon kasama ng kaniyang mga alagad.4 Noon ay malapit na ang Paglagpas, ang kapistahan ng mga Judio.5 Kaya nang itinanaw ni Jesus ang kaniyang mga mata at napagmasdan ang lubhang napakaraming taong paparating sa kaniya, sinabi niya kay Felipe, “Saan tayo bibili ng mga tinapay upang makakain ang mga taong ito?”6 Subalit sinabi niya ito upang subukin siya sapagkat alam ni Jesus kung ano ang dapat niyang gawin.7 Sumagot si Felipe sa kaniya, “Ang dalawandaang denaryong° halaga ng tinapay ay hindi makakasapat sa kanila upang makatanggap ng kaunti ang bawat isa sa kanila.”8 Isa sa kaniyang mga alagad, si Andres na kapatid ni Simon Pedro, ay nagsabi sa kaniya,9 “May isang batang lalaki rito na may limang tinapay na sebada at dalawang isda, ngunit ano ang mga ito sa napakaraming tao?”10 Gayunpaman ay sinabi ni Jesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” Madamo sa dakong iyon kaya umupo ang mga lalaki na ang bilang ay halos limang libo.11 At kinuha ni Jesus ang mga tinapay at nang siya ay nakapagpasalamat, ipinamahagi niya sa mga alagad at ipinamahagi naman ng mga alagad sa mga nakaupo, gayundin ang mga isda, gaano man ang gustuhin nila.12 At nang sila ay nabusog, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Ipunin ninyo ang mga lumabis na mga piraso upang walang anumang masayang.”13 Kaya inipon nila at napuno nila ang labindalawang bakol ng mga piraso mula sa limang tinapay na sebada na lumabis sa mga nakakain na.14 Kaya ang mga taong nakakita ng tanda na ginawa ni Jesus ay nagsabi, “Totoong ito na ang propetang darating sa sanlibutan.” | |








