Abel valitsi uhrauksen
| Secondary Keywords | abel batas cain Genesis kordero Lammas luma pahimakas sakripisyo |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Hebrews 111 Ngayon, ang pananampalataya ay ang katiyakan ng mga bagay na inaasahan, ang katibayan ng mga bagay na hindi nakikita 2 sapagkat sa pamamagitan nito ay tumanggap ng patotoo ang matatanda. 3 Sa pamamagitan ng pananampalataya, nauunawaan natin na ang sansinukob ay nilikha sa pamamagitan ng salita ng Diyos upang ang mga bagay na nakikita ay nagmula sa mga bagay na hindi nakikita. 4 Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Abel ay naghandog sa Diyos ng lalong mabuting hain kaysa sa hain ni Cain, na sa pamamagitan nito ay tumanggap siya ng patotoo na siya ay matuwid. Ang Diyos ang nagpatotoo patungkol sa kaniyang mga kaloob at sa pamamagitan nito ay nagsasalita pa siya bagaman siya ay namatay na. 5 Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Enoc ay dinalang paitaas upang siya ay hindi makaranas ng kamatayan “at hindi natagpuan dahil siya ay dinala ng Diyos paitaas,” Gen 5:24 sapagkat bago ang pagdala sa kaniya paitaas, siya ay tumanggap ng patotoo na siya ay nagbigay-lugod sa Diyos. 6 Ngunit, kung walang pananampalataya hindi maaaring makapagbigay-lugod sa Diyos. Sapagkat siya na lumalapit sa Diyos ay kinakailangang sumampalataya na siya nga at siya ang tagapagbigay ng gantimpala sa kanila na masikap na naghahanap sa kaniya. 7 Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Noe, na binigyang babala ng Diyos patungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, ay may banal na pagkatakot na gumawa ng isang arka para sa kaligtasan ng kaniyang sambahayan. Sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanlibutan at siya ay naging tagapagmana ng katuwirang ayon sa pananampalataya. 8 Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Abraham ay sumunod nang siya ay tinawag upang umalis patungo sa isang dako na malapit na niyang tanggapin bilang mana, at siya ay umalis bagaman hindi niya nalalaman kung saan siya pupunta. 9 Sa pamamagitan ng pananampalataya, siya ay namuhay sa lupang pangako katulad ng dayuhan na nanirahan sa mga tolda, kasama sina Isaac at Jacob na tagapagmana ng gayunding pangako, 10 sapagkat siya ay naghihintay ng isang lungsod na may mga saligan, na ang nagbalangkas at nagtayo ay ang Diyos. 11 Sa pamamagitan ng pananampalataya, kahit si Sara mismo ay tumanggap ng kakayahang magdalang-tao, at nanganak na lagpas na sa gulang sapagkat ibinilang niya na yaong nangako sa kaniya ay matapat. 12 Kaya mula naman sa isang lalaki na itinulad sa isang patay ay isinilang ang mga ito na napakarami katulad ng mga bituin sa langit at hindi mabilang katulad ng buhangin sa tabing-dagat. 13 Silang lahat ay namatay na may pananampalataya na hindi tinanggap ang mga pangako, ngunit natanaw nila ang mga ito mula sa malayo, at nahikayat sila at malugod nilang tinanggap at ipinahayag nila na sila ay mga dayuhan at mga manlalakbay sa daigdig. 14 Sapagkat sila na nagsasalita ng ganitong mga bagay ay nagpapakilala na sila ay naghahangad ng sariling bansa. 15 At kung inaalala nga nila ang bayan na kanilang pinanggalingan, sila ay maaaring magkaroon ng pagkakataong bumalik. 16 Ngunit ngayon, ang hinahangad nila ay lalong mabuti. Dahil dito, ang Diyos ay hindi nahihiya na tawaging kanilang Diyos sapagkat siya ay naghanda ng isang lungsod para sa kanila. 17 Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Isaac ay inihandog ni Abraham nang siya ay sinubok, at siya na tumanggap ng mga pangako ay inihandog ang kaniyang tanging anak, 18 na sa kaniya ay sinabi, “Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi,” Gen 21:12 19 sapagkat itinuring din niya na ang Diyos ay may kakayahang magbangon ng mga patay, na mula rin dito, siya ay muli niyang tinanggap sa talinghaga. 20 Sa pamamagitan ng pananampalataya ay pinagpala ni Isaac sina Jacob at Esau patungkol sa mga bagay na malapit nang dumating. 21 Sa pamamagitan ng pananampalataya ay pinagpala ni Jacob ang bawat anak ni Jose nang siya ay mamamatay na, at siya ay sumamba na nakatungo ang ulo sa dulo ng kaniyang tungkod. 22 Sa pamamagitan ng pananampalataya, nang si Jose ay mamamatay na, inalala niya ang patungkol sa paglabas ng mga anak ni Israel mula sa Egipto at siya ay naghabilin patungkol sa kaniyang mga buto. 23 Sa pamamagitan ng pananampalataya, nang si Moises ay ipinanganak, siya ay itinago ng kaniyang mga magulang sa loob ng tatlong buwan sapagkat kanilang nakita na siya ay kaaya-ayang bata at sila ay hindi natakot sa utos ng hari. 24 Sa pamamagitan ng pananampalataya, nang si Moises ay lumaki na, siya ay tumanggi na tawaging anak ng babaing anak ni Paraon. 25 Higit niyang pinili na dumanas ng kalupitan kasama ng mga tao ng Diyos kaysa magkaroon ng pansamantalang kasiyahang dulot ng kasalanan. 26 Itinuring niya na higit na malaking kayamanan ang kahihiyan kay Cristo kaysa sa kayamanan sa Egipto sapagkat ibinaling niya ang kaniyang paningin sa gantimpalang ipagkakaloob. 27 Sa pamamagitan ng pananampalataya ay kaniyang iniwan ang Egipto nang walang pagkatakot sa poot ng hari sapagkat matatag siya dahil nakikita niya yaong hindi nakikita. 28 Sa pamamagitan ng pananampalataya ay ginanap niya ang Paglagpas at ang pagwisik ng dugo upang hindi sila maaring galawin niyaong namumuksa ng mga panganay. 29 Sa pamamagitan ng pananampalataya ay tumawid sila sa Pulang Dagat katulad ng pagtawid sa tuyong lupa. Nang ito ay sinubukang gawin ng mga taga-Egipto, sila ay nalunod. 30 Sa pamamagitan ng pananampalataya, ang mga pader ng Jerico ay bumagsak pagkatapos nilang ikutan ang mga ito sa loob ng pitong araw. 31 Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Rahab na patutot ay hindi napahamak na kasama niyaong mga hindi sumampalataya dahil tinanggap niyang may kapayapaan ang mga tiktik. 32 Ano pa ang dapat kong sabihin? Sapagkat ang panahon ay magiging kulang kung ako ay magsasalaysay patungkol kina Gideon at Barak, gayundin kina Samson at Jefta, gayundin kina David at Samuel at sa mga propeta, 33 na sa pamamagitan ng pananampalataya ay nalupig nila ang mga kaharian, gumawa ng katuwiran, tumanggap ng mga pangako, pinatigil ang mga bibig ng mga leon, 34 pinatay ang kapangyarihan ng apoy, tumakas sa mga talim ng tabak, pinalakas mula sa kahinaan, naging matapang sa digmaan at pinatakas ang mga hukbo ng dayuhan. 35 Tinanggap ng mga kababaihan ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay. Ang iba ay pinahirapan dahil tinanggihan nila ang paglaya upang kanilang makamtan ang lalong mabuting muling pagkabuhay. 36 At ang iba ay tumanggap ng pagsubok ng malupit na mga pangungutya at ng mga paghagupit at lalo pa ng mga pagkagapos at ng pagkabilanggo. 37 Sila ay binato, sila ay nilagari, sila ay sinubok, sila ay pinatay sa pamamagitan ng tabak at sila ay nagpagala-gala na ang suot ay mga balat ng tupa at mga balat ng kambing, sila ay naging kapos, sila ay pinahirapan at sila ay pinagmalupitan 38 na ang sanlibutan ay hindi karapat-dapat para sa kanila. Sila ay nagpagala-gala sa mga ilang at sa mga bundok at sa mga kuweba at sa mga lungga sa lupa. 39 Bagaman ang lahat ng mga ito ay tumanggap ng mabuting patotoo sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi nila natanggap ang pangako 40 sapagkat ang Diyos ay nagkaloob ng lalong mabuting bagay para sa atin upang sila ay hindi maging ganap na hiwalay sa atin. |