Si Abraham ay nagbabayad ng ikapu
| Avainsanat | Abraham Abram katiting na bahagi Melchizedek pagkilala rhpas0568 |
|---|---|
| Secondary Keywords | Ihmiset ihmiset kayamanan Kruunu Lampaat manloob Anderson mataas nagbabayad pari tolda |
| Mga Banal na Kasulatan | Genesis 1417 At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya'y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer, at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave (na siyang libis ng hari). 18 At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya'y saserdote ng Kataastaasang Dios. 19 At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na may-ari ng langit at ng lupa: 20 At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam. 21 At sinabi ng hari sa Sodoma kay Abram, Ibigay mo sa akin ang mga tao at kunin mo sa ganang iyo ang mga pag-aari. 22 At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma, Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan, na may ari ng langit at ng lupa. 23 Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid, o maging isang panali ng pangyapak, o ng anomang nauukol sa iyo, baka iyong sabihin, Pinayaman ko si Abram: 24 Liban na lamang ang kinain ng mga binata at ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko; si Aner, si Eschol, at si Mamre, ay pakunin mo ng kanilang bahagi. Hebrews 71 Sapagkat itong si Melquisedec na hari ng Salem at saserdote ng kataas-taasang Diyos ang siyang sumalubong kay Abraham nang siya ay bumalik mula sa pagpatay sa mga hari, at siya ang nagpala kay Abraham, 2 na sa kaniya rin ibinigay ni Abraham ang ikasampung bahagi ng lahat, na ang una ngang ibig sabihin ng kaniyang pangalan ay “hari ng katuwiran,” ngunit pagkatapos naman ay hari ng Salem na ang ibig sabihin ay “hari ng kapayapaan.” 3 Siya ay walang ama, walang ina, walang talaan ng mga angkan, ni walang simula ng mga araw o wakas ng buhay, ngunit siya ay itinulad sa anak ng Diyos at nananatiling saserdote magpakailanman. 4 Ngayon ay inyong pinagmamasdan ang dakilang taong ito, na kahit si Abraham na ating ninuno ay sa kaniya nagbigay ng ikapu na nagmula sa mga sinamsam. 5 At totoong sila na nagmula sa mga anak ni Levi, na tinanggap ang pagiging saserdote, ay may utos upang tumanggap ng ikapu mula sa mga tao ayon sa kautusan, ito ay sa kanilang mga kapatid, kahit na sa kanila na nagmula sa balakang ni Abraham. 6 Ngunit siya na ang angkan ay hindi nagmula sa kanila ay tumanggap ng ikapu mula kay Abraham at siya na nagtataglay ng mga pangako ay kaniyang pinagpala. 7 At walang anumang pagtatalo, ang mas mababa ay pinagpapala sa pamamagitan niya na nakahihigit. 8 At sa dako ngang ito, ang mga taong may kamatayan ay tumatanggap ng ikapu, ngunit sa kabilang dako, siya na tumatanggap ng mga ito ay pinatototohanan na siya ay nabubuhay. 9 At upang sabihin ang kagaya sa sinabi, si Levi rin na siyang tumatanggap ng ikapu ay nagbayad ng ikapu sa pamamagitan ni Abraham 10 sapagkat siya ay nasa balakang pa ng kaniyang ninuno nang sinalubong siya ni Melquisedec. |








