1 Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.2 At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.3 At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.