21 Dahil dito, hubarin ninyo ang lahat ng karumihan at ang labis na kasamaan, at sa pamamagitan ng kaamuan ay tanggapin ninyo ang salitang inihugpong sa inyo na siyang makakapagligtas ng inyong mga kaluluwa.22 Ngunit maging mga tagatupad kayo ng salita at hindi mga tagapakinig lamang na inyong dinadaya ang inyong mga sarili,23 sapagkat ang sinumang tagapakinig ng salita ngunit hindi tagatupad nito, siya ay katulad ng isang tao na pinagmamasdan ang kaniyang likas na mukha sa salamin24 sapagkat pinagmasdan niya ang kaniyang sarili pagkatapos siya ay umalis at kinalimutan kaagad kung anong uri ang pagkatao niya.25 Ngunit ang sinumang tumitingin sa ganap na kautusan ng kalayaan at nananatili rito, at siya ay hindi naging makakalimuting tagapakinig, sa halip siya ay tagapagsagawa ng gawain, ang taong ito ay pagpapalain sa kaniyang paggawa.26 Kung ang sinuman sa inyo ay nag-aakalang siya ay relihiyoso at hindi pinipigil ang kaniyang dila, sa halip ay dinadaya niya ang kaniyang puso, ang relihiyon ng taong ito ay walang kabuluhan.