36 Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya, “Panginoon, saan ka pupunta?” Sumagot si Jesus sa kaniya, “Sa ngayon, sa pupuntahan ko ay hindi ka makakasunod sa akin, ngunit susunod ka sa akin pagkatapos.”37 Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, bakit hindi ako makakasunod sa iyo ngayon? Iaalay ko ang aking buhay alang-alang sa iyong kapakanan.”38 Sumagot si Jesus sa kaniya, “Iaalay mo ang iyong buhay alang-alang sa aking kapakanan? Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, hindi titilaok ang tandang hanggang sa maipagkaila mo ako nang tatlong ulit.