11 Lumapit siya sa amin, kinuha niya ang pamigkis ni Pablo, ginapos niya ang kaniyang sariling mga kamay at mga paa at sinabi, “Ganito ang sinasabi ng Banal na Espiritu, ‘Sa ganitong paraan gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang lalaking may-ari ng pamigkis na ito at siya ay ibibigay nila sa mga kamay ng mga Gentil.’ ”