13 At sa oras na iyon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol at bumagsak ang ikasampung bahagi ng lungsod at pitong libong tao ang namatay sa lindol, at ang mga naiwan ay nagkaroon ng takot at niluwalhati nila ang Diyos ng kalangitan.14 Ang ikalawang kaabahan ay lumipas na, at narito, ang ikatlong kaabahan ay mabilis na dumarating.15 At pinatunog ng pampitong anghel ang trumpeta at nagkaroon ng malakas na mga tinig sa langit na nagsasabi, “Ang mga kaharian ng sanlibutan ay naging sa Panginoon natin at ng kaniyang Cristo at siya ay maghahari magpakailan pa man.”16 At ang dalawampu't apat na matatanda, yaong mga nakaupo sa kanilang mga luklukan sa harapan ng Diyos, ay nagpatirapa at sila ay sumamba sa Diyos,17 na sinasabi, “O Panginoon, Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na siya ang kasalukuyan at siya ang nakaraan at siya ang darating, kami ay nagpapasalamat sa iyo sapagkat kinuha mo ang iyong dakilang kapangyarihan at ikaw ay naghahari na.