Alhaisten joukossa
| Secondary Keywords | diyos Jeesus Jeesus koleksyon opetuksen opettamista pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 438 Ngunit nang siya ay tumindig at lumabas sa sinagoga, siya ay pumasok sa bahay ni Simon. At ang biyenang babae ni Simon ay pinahihirapan ng mataas na lagnat kaya sila ay humiling para sa kaniya. 39 Nang si Jesus ay tumayo sa tabi niya, sinaway niya ang lagnat at ito ay nawala. Kaagad siyang bumangon at naglingkod sa kanila. 40 At nang papalubog na ang araw, ang lahat ng mga maysakit ng iba't ibang karamdaman ay dinala nila kay Jesus, at sa pamamagitan ng pagpatong niya ng kaniyang mga kamay sa bawat isa sa kanila, sila ay pinagaling niya. 41 At lumabas din ang mga demonyo sa marami sa kanila, na sumisigaw at nagsasabi, “Ikaw ang Cristo, ang anak ng Diyos!” At sila ay sinaway niya at hindi niya pinayagan na makapagsalita sila dahil alam nila na siya ang Cristo. Mark 129 And immediately he left the synagogue and entered the house of Simon and Andrew, with James and John. 30 Now Simon's mother-in-law lay ill with a fever, and immediately they told him about her. 31 And he came and took her by the hand and lifted her up, and the fever left her, and she began to serve them. 32 That evening at sundown they brought to him all who were sick or oppressed by demons. 33 And the whole city was gathered together at the door. 34 And he healed many who were sick with various diseases, and cast out many demons. And he would not permit the demons to speak, because they knew him. Matthew 2531 “At kapag ang Anak ng Tao ay darating sa kaniyang kaluwalhatian at ang lahat ng mga banal na anghel ay kasama niya, sa panahong iyon siya ay uupo sa trono ng kaniyang kaluwalhatian. 32 At titipunin ang lahat ng mga bansa sa kaniyang harapan at ihihiwalay niya sila sa isa't isa katulad ng pastol na inihihiwalay ang mga tupa mula sa mga kambing. 33 At ilalagay nga niya ang mga tupa sa kaniyang bahaging kanan, ngunit ang mga kambing ay sa bahaging kaliwa. 34 Pagkatapos ay sasabihin ng hari sa kanila na nasa kaniyang bahaging kanan, ‘Halikayo, kayong mga pinagpala ng aking Ama. Manahin ninyo ang kahariang inihanda sa inyo mula pa sa pagkatatag ng sanlibutan 35 sapagkat ako ay nagutom ngunit binigyan ninyo ako ng makakain. Ako ay nauhaw ngunit binigyan ninyo ako ng maiinom. Ako ay naging dayuhan ngunit ako ay inyong pinatuloy. 36 Ako ay naging hubad ngunit ako ay dinamtan ninyo. Ako ay nagkasakit ngunit ako ay inyong dinalaw. Ako ay nabilanggo ngunit ako ay inyong pinuntahan.’ 37 “Sa oras na iyon ay sasagot ang mga matuwid sa kaniya na sinasabi, ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain ka namin, o nauuhaw at binigyan ka namin ng maiinom? 38 At kailan ka namin nakitang naging dayuhan at pinatuloy ka namin, o naging hubad at dinamitan ka namin? 39 Kailan ka namin nakitang nagkasakit o nabilanggo at kami ay pumunta sa iyo?’ 40 Sa pagsagot ng hari ay sasabihin niya sa kanila, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ito ay ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit sa mga kapatid ko, ito ay ginawa ninyo sa akin.’ 41 “Pagkatapos ay sasabihin din niya sa kanila na nasa bahaging kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, kayong mga isinumpa patungo sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel 42 sapagkat ako ay nagutom ngunit ako ay hindi ninyo binigyan ng makakain. Ako ay nauhaw ngunit ako ay hindi ninyo binigyan ng maiinom. 43 Ako ay naging dayuhan ngunit ako ay hindi ninyo pinatuloy. Ako ay naging hubad ngunit ako ay hindi ninyo dinamtan. Ako ay nagkasakit at nabilanggo ngunit ako ay hindi ninyo dinalaw.’ 44 “Sa oras na iyon ay sasagot din sila sa kaniya na sinasabi, ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, o nauhaw, o naging dayuhan, o naging hubad, o nagkasakit, o nabilanggo at hindi kami naglingkod sa iyo?’ 45 Kaya siya ay sasagot sa kanila na sinasabi, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ito ay hindi ninyo ginawa para sa isa sa mga pinakamaliit na ito, ito ay hindi ninyo ginawa sa akin.’ 46 At ang mga ito ay pupunta sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay patungo sa buhay na walang hanggan.” Matthew 814 At nang dumating si Jesus sa bahay ni Pedro, nakita niya ang biyenang babae nito na nakaratay at nilalagnat. 15 At hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae at nawala ang kaniyang lagnat. At siya ay bumangon at naglingkod sa kanila. 16 Kinagabihan, dinala nila sa kaniya ang maraming inaalihan ng mga demonyo. Sa isang salita pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat na mga maysakit 17 upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ni propeta Isaias na nagsasabi, “Kinuha niya ang ating mga karamdaman at dinala niya ang ating mga sakit.” Isa 53:4 |