Kutsu
| Secondary Keywords | alagad apostol bayan Elämää koleksyon lungsod merkado pangaralan Todistaja todistaa |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 22:1-14 |
Matthew 221 At si Jesus ay muling sumagot at nagsalita sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga na sinasabi,2 “Ang paghahari ng langit ay inihalintulad sa tao, sa isang hari, na gumawa ng piging ng kasalan para sa kaniyang anak na lalaki.3 At isinugo niya ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga naanyayahan para sa piging ng kasalan, ngunit ayaw nilang pumunta.4 Muli, siya ay nagsugo ng ibang mga alipin na sinasabi, ‘Sabihin ninyo sa mga naanyayahan, “Narito, ang aking piging ay inihanda ko na. Ang aking mga toro at mga pinatabang baka ay kinatay na at handa na ang lahat. Halina na kayo sa piging ng kasalan.” ’5 Ngunit sila na hindi nagpahalaga ay umalis, ang isa nga ay patungo sa kaniyang bukid at ang isa ay patungo sa kaniyang kalakal.6 Ngunit hinuli ng mga naiwan ang kaniyang mga alipin at sila ay inalipusta at sila ay pinatay.7 Subalit nang narinig ito ng hari, siya ay labis na nagalit at isinugo niya ang kaniyang mga hukbo at pinuksa nila ang mga mamamatay taong iyon at sinunog ang kanilang lungsod.8 Pagkatapos, sinabi niya sa kaniyang mga alipin, ‘Ang piging ng kasalan ay talagang handa na, ngunit ang mga naanyayahan ay hindi karapat-dapat.9 Kaya pumunta kayo sa mga lagusan ng mga daan at gaano man karami ang inyong matagpuan ay anyayahan ninyo sa piging ng kasalan.’10 Kaya lumabas ang mga aliping iyon sa mga daan at kanilang tinipon ang lahat gaano man karami ang kanilang natagpuan, kapwa ang mga masama at ang mga mabuti. At ang kasalan ay napuno ng mga panauhin.11 “Ngunit nang pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, siya ay nakakita ng isang lalaki roon na hindi nakasuot ng damit para sa kasalan.12 At sinabi niya sa kaniya, ‘Kaibigan, papaano ka nakapasok dito na hindi nakasuot ng damit para sa kasalan?’ Ngunit siya ay nanahimik.13 Kaya sinabi ng hari sa mga tagapaglingkod, ‘Igapos ninyo ang kaniyang mga paa at mga kamay at siya ay dalhin ninyo at itapon sa kadilimang nasa labas. Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.’14 “Sapagkat marami ang tinawag ngunit kaunti ang pinili.” | |








