Ang Demoniac
The scene emphasizes Christ’s dominion over spiritual darkness and His compassion for the afflicted. The chains symbolize captivity, while the outstretched hand of Jesus signifies deliverance, command, and mercy. This artwork is suited for teaching on spiritual warfare, healing, restoration, pastoral care, and the saving authority of Jesus over every oppressive power.
| Avainsanat | Demonia Gerasene demoniac Jeesus Jeesus paglaya unclean spirits |
|---|---|
| Secondary Keywords | authority of Christ baybayin espirituwal na pakikidigma pagkaalipin paglunas pagpapanumbalik pakikiramay tanikala |
| Tertiary Keywords | armollinen Gerasenes Gospel narrative libingan ministry teaching pastoral care |
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 826 At sila ay naglayag patungo sa lupain ng mga taga-Gadara na katapat ng Galilea. 27 At pagkababa niya sa lupa, may sumalubong sa kaniya na isang lalaking mula sa lungsod na matagal nang panahong may mga demonyo. Hindi siya nagsusuot ng damit at hindi nananatili sa bahay kundi sa mga libingan. 28 At nang nakita niya si Jesus, siya ay sumigaw at nagpatirapa sa harapan niya, at sa pamamagitan ng malakas na tinig ay kaniyang sinabi, “Ano ang kinalaman nito sa akin at sa iyo, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Isinasamo ko sa iyo, huwag mo akong pahirapan!” 29 sapagkat inutusan niya ang karumal-dumal na espiritu na lumabas mula sa lalaki dahil madalas siyang sunggaban ng demonyo. At siya ay binabantayan at ginagapos sa pamamagitan ng mga tanikala at ng mga pangaw. Ngunit pinapatid niya ang mga gapos at itinataboy siya ng demonyo sa ilang. 30 At tinanong siya ni Jesus na sinasabi, “Ano ang pangalan mo?” Sinabi niya, “Lehiyon,” sapagkat maraming demonyo ang pumasok sa kaniya. 31 At sila ay nagsumamo kay Jesus na sila ay huwag utusang pumunta sa walang hanggang kalaliman. 32 At doon ay may isang kawan ng maraming baboy na nanginginain sa bundok, at kanilang isinamo sa kaniya na pahintulutan silang pumasok sa mga iyon. At sila ay pinahintulutan niya. 33 Kaya nang ang mga demonyo ay lumabas sa lalaki, sila ay pumasok sa mga baboy. At ang kawan ay mabilis na tumakbong palusong sa bangin patungo sa lawa at nalunod. 34 Pagkakita ng mga tagapag-alaga sa nangyari, sila ay tumakbo at sa kanilang pag-alis, ibinalita nila ito sa lungsod at sa mga kabukiran. 35 Kaya ang mga tao ay pumunta upang tingnan ang nangyari. At sila ay pumunta kay Jesus, at ang lalaki kung kanino lumabas ang mga demonyo ay natagpuan nilang nakaupo sa paanan ni Jesus, na nakadamit na at nasa wastong pag-iisip na, kaya sila ay natakot. 36 At sila rin na nakakita nito ay nagbalita sa kanila kung paano gumaling ang lalaking inalihan ng mga demonyo. 37 At hiniling ng lahat ng maraming tao sa lupaing palibot ng mga taga-Gadara kay Jesus na umalis mula sa kanilang lupain dahil nangingibabaw sa kanila ang labis na takot. Kaya si Jesus ay sumakay sa bangka at bumalik. 38 Ngunit ang lalaki kung kanino lumabas ang mga demonyo ay nagsusumamo sa kaniya na makasama sa kaniya subalit siya ay pinauwi ni Jesus na sinasabi, 39 “Umuwi ka sa iyong bahay at isalaysay mo ang dakilang ginawa sa iyo ng Diyos.” At siya ay umalis na ipinapahayag sa buong lungsod ang dakilang ginawa ni Jesus sa kaniya. Luke 827 At pagkababa niya sa lupa, may sumalubong sa kaniya na isang lalaking mula sa lungsod na matagal nang panahong may mga demonyo. Hindi siya nagsusuot ng damit at hindi nananatili sa bahay kundi sa mga libingan. 28 At nang nakita niya si Jesus, siya ay sumigaw at nagpatirapa sa harapan niya, at sa pamamagitan ng malakas na tinig ay kaniyang sinabi, “Ano ang kinalaman nito sa akin at sa iyo, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Isinasamo ko sa iyo, huwag mo akong pahirapan!” 29 sapagkat inutusan niya ang karumal-dumal na espiritu na lumabas mula sa lalaki dahil madalas siyang sunggaban ng demonyo. At siya ay binabantayan at ginagapos sa pamamagitan ng mga tanikala at ng mga pangaw. Ngunit pinapatid niya ang mga gapos at itinataboy siya ng demonyo sa ilang. Mark 51 Dumating sila sa kabilang ibayo ng dagat, sa lupain ng mga taga-Gadara. 2 Pagkababa ni Jesus mula sa bangka, kaagad siyang sinalubong ng lalaki na galing sa mga libingan, na may karumal-dumal na espiritu. 3 Siya ay may tirahan sa mga libingan at walang sinuman ang makakagapos sa kaniya kahit pa sa pamamagitan ng mga tanikala 4 sapagkat siya ay madalas nilang iginagapos ng mga pangaw at tanikala, ngunit nilalagot niya ang mga tanikala at pinagpuputol ang mga pangaw, at walang sinumang nakakapigil sa kaniya. 5 Araw at gabi, sa mga kabundukan at sa mga libingan, siya ay palaging sumisigaw at sinusugatan niya ng bato ang kaniyang sarili. 6 Subalit pagkakita niya kay Jesus mula sa malayo, siya ay tumakbo at sumamba sa kaniya. 7 At nang siya ay sumigaw na may malakas na tinig, sinabi niya, “Ano ang kinalaman ko sa iyo, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Isinasamo ko sa iyo, alang-alang sa Diyos, huwag mo akong pahirapan.” 8 Sapagkat sinabi sa kaniya ni Jesus, “Lumabas ka mula sa taong iyan, ikaw na karumal-dumal na espiritu!” 9 At tinanong siya ni Jesus, “Ano ang pangalan mo?” At siya ay sumagot, “Ang pangalan ko ay Lehiyon, sapagkat kami ay marami.” 10 Kaya labis niyang ipinamamanhik sa kaniya na huwag silang palayasin mula sa lupaing iyon. 11 Doon sa libis ng mga bundok ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain. 12 Kaya ipinamanhik sa kaniya ng lahat ng mga demonyo na sinasabi, “Papuntahin mo kami sa mga baboy upang sa kanila kami pumasok.” 13 At kaagad silang pinahintulutan ni Jesus. Kaya nang lumabas ang mga karumal-dumal na espiritu mula sa lalaki, sila ay pumasok sa mga baboy. At ang kawan, na halos dalawang libo, ay mabilis na tumakbong palusong sa matarik na bangin patungo sa dagat at sila ay nalunod sa dagat. 14 Kaya ang mga tagapag-alaga ng mga baboy ay tumakbong patakas at ipinamalita ito sa lungsod at sa mga nayon, kaya pumunta roon ang mga tao upang makita kung ano ang nangyari. 15 At lumapit sila kay Jesus at nakita nila na nakaupo, nakadamit at nasa wastong pag-iisip ang taong dating inaalihan ng mga demonyo na siyang nagkaroon ng lehiyon, kaya sila ay natakot. 16 At isinalaysay sa kanila ng mga nakakita kung ano ang nangyari sa kaniya na inalihan ng mga demonyo at ang patungkol sa mga baboy. 17 Kaya nagsimula silang mamanhik kay Jesus na umalis sa kanilang mga lupain. 18 At nang sumakay na si Jesus sa bangka, ang inalihan ng mga demonyo ay nagsumamo na makasama siya sa kaniya. 19 Ngunit hindi siya pinayagan ni Jesus, sa halip ay sinabi niya sa kaniya, “Umuwi ka sa iyong bahay, sa iyong mga kaibigan at ibalita mo sa kanila kung gaano kadakila ang ginawa sa iyo ng Panginoon at ikaw ay kinahabagan niya.” 20 At siya ay umalis at nagsimulang maghayag sa Decapolis kung gaano kadakila ang ginawa ni Jesus sa kaniya, at ang lahat ay namangha. Mark 56 Subalit pagkakita niya kay Jesus mula sa malayo, siya ay tumakbo at sumamba sa kaniya. 7 At nang siya ay sumigaw na may malakas na tinig, sinabi niya, “Ano ang kinalaman ko sa iyo, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Isinasamo ko sa iyo, alang-alang sa Diyos, huwag mo akong pahirapan.” 8 Sapagkat sinabi sa kaniya ni Jesus, “Lumabas ka mula sa taong iyan, ikaw na karumal-dumal na espiritu!” Matthew 828 At nang dumating siya sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaki na inaalihan ng mga demonyo. Sila ay mula sa mga libingan at sila ay lubhang mababangis, kung kaya walang sinuman ang may kakayahang dumaan sa daang iyon. 29 At narito, sila ay sumigaw na nagsasabi, “Ano ito sa amin at sa iyo, Jesus, Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang kami ay pahirapan bago dumating ang panahon?” 30 Sa hindi kalayuan mula sa kanila ay may kawan ng maraming baboy na nanginginain. 31 Kaya nagsumamo sa kaniya ang mga demonyo na nagsasabi, “Kung palalayasin mo kami, pahintulutan mo kaming pumaroon sa kawan ng mga baboy.” 32 Kaya sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo.” At pagkalabas nila, sila ay pumasok sa kawan ng mga baboy, at narito, ang buong kawan ng mga baboy ay tumakbong palusong sa bangin patungo sa dagat at ang mga ito ay namatay sa tubig. 33 At ang mga tagapag-alaga niyaon ay tumakbo at nang sila ay nakarating sa lungsod, kanilang ipinamalita ang lahat maging ang mga nangyari sa mga inaalihan ng mga demonyo. 34 Kaya narito, ang buong lungsod ay lumabas upang salubungin si Jesus. At nang siya ay nakita nila, sila ay nagsumamo na siya ay umalis mula sa mga hangganan ng kanilang lupain. |








