1 At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit, isang babaing nadaramtan ng araw at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa at sa kaniyang ulo ay may isang putong na may labindalawang bituin.2 At sa kaniyang pagdadalantao, siya ay sumisigaw sa hirap ng panganganak at dahil siya ay nahihirapan sa panganganak.3 At ang isa pang tanda ay nakita sa langit, at narito, isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay at sa kaniyang mga ulo ay may pitong putong.