19 Kaya ginawa ng mga alagad ang ayon sa iniutos ni Jesus sa kanila at inihanda nila ang Paglagpas.20 Nang nagtakipsilim na, si Jesus ay dumulog sa hapag kasama ang labindalawa.21 At habang sila ay kumakain, sinabi niya sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.”22 At sila ay labis na namighati at ang bawat isa sa kanila ay nagsimulang magsabi sa kaniya, “Panginoon ako ba?”23 Siya ay sumagot at sinabi, “Siya na magsawsaw ng kamay sa mangkok kasabay ko, siya ang magkakanulo sa akin.24 Ang Anak ng Tao nga ay humahayo ayon sa nakasulat patungkol sa kaniya. Ngunit sa aba ng taong iyon na sa pamamagitan niya ay ipinagkakanulo ang Anak ng Tao. Mabuti pa sa taong iyon kung hindi na siya ipinanganak.”25 At sumagot si Judas, siya na nagkakanulo kay Jesus, “Rabbi, ako ba?” Sinabi niya sa kaniya, “Ikaw ang nagsabi.”26 At habang sila ay kumakain, kinuha ni Jesus ang tinapay, pinagpala niya ito at pinagputul-putol at ibinigay sa kaniyang mga alagad. At sinabi niya, “Kunin ninyo at kainin ninyo, ito ang aking katawan.”27 At kinuha niya ang saro at nagpasalamat at ibinigay niya ito sa kanila na sinasabi, “Uminom kayong lahat28 sapagkat ito ang aking dugo ng bagong tipan na nabubuhos para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng marami.29 Ngunit sinasabi ko sa inyo na hinding-hindi ako iinom ng katas ng ubas na ito mula ngayon hanggang sa araw na mainom ko itong panibago na kasama kayo sa kaharian ng aking Ama.”