3 “Makinig kayo! Narito, lumabas ang manghahasik upang maghasik.4 At nangyari, na sa kaniyang paghahasik ay may nahulog nga sa tabi ng daan at dumating ang mga ibon mula sa himpapawid at nilamon ito.5 At ang ilan ay nahulog sa lupang mababato na walang sapat na lupa. Ang mga ito ay sumibol kaagad dahil hindi malalim ang lupa.6 At sa pagsikat ng araw ay nalanta ito, at dahil naging walang ugat ito ay tuluyang natuyo.7 At ang ilan ay nahulog sa dawagan, at ang mga dawag ay lumago at sinakal ang mga ito kaya ang mga ito ay hindi nagbunga.8 At ang iba ay nahulog sa mabuting lupa at ito ay namunga habang tumataas at lumalago. Ang isa ay nagbubunga ng tatlumpu, ang isa ay animnapu at ang isa ay isandaan.”