7 At siya ay pinagkalooban na magsagawa ng digmaan sa mga banal at upang sila ay lupigin, at siya ay pinagkalooban ng kapamahalaan sa bawat lipi at wika at bansa.8 At ang lahat niyaong mga naninirahan sa daigdig ay sasamba sa kaniya, sila na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero na siyang pinatay mula sa pagkatatag ng sanlibutan.