43 Ngunit sa pagnanais ng senturion na iligtas si Pablo, sila ay kaniyang pinigil sa kanilang balak. At iniutos niya sa mga may kakayanang lumangoy na mauna silang tumalon para makarating sa lupa44 at sa kanila naman na mga naiwan, ang iba ay gumamit ng mga tabla at ang iba naman ay mga bagay na galing sa barko. At nangyari na sa ganitong paraan, silang lahat ay nakaligtas patungo sa lupa.