11 “Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay alang-alang sa mga tupa.12 Ngunit ang upahang lingkod at hindi pastol na hindi nagmamay-ari ng mga tupa, kapag nakikita niya na dumarating ang lobo, iniiwan niya ang mga tupa at tumatakbong palayo. Kaya, ang mga tupa ay sinisila at ikinakalat ng lobo.13 Ang upahang lingkod ay tumatakbong palayo sapagkat siya ay upahang lingkod at hindi niya pinagmamalasakitan ang kalagayan ng mga tupa.14 Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang aking mga tupa at nakikilala nila ako,15 kung paanong ako ay kilala ng Ama at kilala ko ang Ama. Iniaalay ko ang aking buhay alang-alang sa mga tupa.