Enkelin vierailut
| Secondary Keywords | A anghel anghel bahagi Binisitang dibisyon Gabriel kuwento linya lumitaw Lumitaw mabigat mamula-mula Maria ng Pagdalaw pamamagitan ng Pasko pastol punong pari Serye sining Zacarias |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 1:11-17 Lucas 1:26-33 Lucas 2:13-14 Lucas 2:8-20 Psalms 70:4 |
Luke 111 At isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kaniya na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng insenso.12 At si Zacarias ay naguluhan at natakot pagkakita niya sa anghel.13 Ngunit sinabi ng anghel sa kaniya, “Huwag kang matakot, Zacarias, sapagkat ang iyong kahilingan ay dininig na. Ang iyong asawang si Elisabet ay magsisilang sa iyo ng isang lalaki at ang pangalang itatawag mo sa kaniya ay Juan.14 At magkakaroon ka ng kagalakan at labis na kagalakan, at marami ang magagalak sa kaniyang kapanganakan,15 sapagkat siya ay magiging dakila sa harapan ng Panginoon. Siya ay hinding-hindi iinom ng alak at ng nakakalasing na inumin. At siya ay mapupuspos ng Banal na Espiritu mula sa sinapupunan ng kaniyang ina,16 at marami sa mga anak ni Israel ang kaniyang papanumbalikin sa Panginoon nilang Diyos.17 Siya ay hahayo sa harapan ng Panginoon sa espiritu at kapangyarihan ni Elias ‘upang panumbalikin ang mga puso ng mga ama sa mga anak,’ at ang mga masuwayin patungo sa karunungan ng mga matuwid upang ihanda ang isang bayang nakahanda na sa Panginoon.” Luke 126 Sa ikaanim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos, sa isang lungsod ng Galilea na ang pangalan ay Nazaret,27 sa isang birhen na ipinagkasundong mapangasawa ng lalaki na ang pangalan ay Jose na mula sa angkan ni David. At ang pangalan ng birhen ay Maria.28 Paglapit ng anghel sa kaniya ay sinabi nito, “Magalak ka, ikaw na pinagpala! Ang Panginoon ay sumasaiyo. Pinagpala ka sa mga kababaihan.”29 Nang makita ni Maria ang anghel, siya ay naguluhan sa sinabi nito at pinagbulayan kung anong uri ng pagbati ito.30 Sinabi ng anghel sa kaniya, “Maria, huwag kang matakot sapagkat nakasumpong ka ng biyaya mula sa Diyos.31 Narito, ikaw ay maglilihi sa iyong sinapupunan at manganganak ng isang lalaki at ang pangalang itatawag mo sa kaniya ay Jesus.32 Siya ay magiging dakila at siya ay tatawaging Anak ng Kataas-taasan at ibibigay ng Panginoong Diyos sa kaniya ang trono ng kaniyang amang si David.33 Siya ay maghahari sa sambahayan ni Jacob magpakailanman at ang kaniyang paghahari ay hindi magwawakas.” Luke 213 At biglang lumitaw kasama ng anghel ang napakaraming makalangit na hukbo na nagpupuri sa Diyos, na sinabi,14 “Kaluwalhatian sa Diyos sa kataas-taasan, at kapayapaan sa lupa, kaluguran para sa mga tao!” Luke 28 Sa lupain ding iyon ay may mga pastol ng tupa na nananatili sa parang at sa gabi ay nagbabantay sa kanilang kawan.9 Narito, tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila, kaya sila ay labis na natakot.10 At sinabi ng anghel sa kanila, “Huwag kayong matakot. Narito, ipinapahayag ko sa inyo ang ebanghelyo ng malaking kagalakan na darating sa lahat ng tao11 sapagkat sa araw na ito sa lungsod ni David ay ipinanganak sa inyo ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.12 At ito ang palatandaan sa inyo, matatagpuan ninyo ang sanggol na nakabalot na ng mahabang tela, na nakahiga sa sabsaban.”13 At biglang lumitaw kasama ng anghel ang napakaraming makalangit na hukbo na nagpupuri sa Diyos, na sinabi,14 “Kaluwalhatian sa Diyos sa kataas-taasan, at kapayapaan sa lupa, kaluguran para sa mga tao!”15 At nangyari, nang sila ay iniwan ng mga anghel patungo sa langit, ang mga lalaking pastol ng tupa ay nagsabi sa isa't isa, “Kailangang makapunta tayo hanggang sa Bethlehem at matingnan natin itong pahayag na nangyari, na ipinaalam sa atin ng Panginoon.”16 At sila ay nagmadaling pumaroon at kanilang natagpuan si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.17 At nang ito ay kanilang nakita, kanilang ipinamalita ang sinabi sa kanila patungkol sa sanggol na ito.18 At ang lahat ng mga nakarinig nito ay namangha sa mga sinabi sa kanila ng mga pastol ng tupa.19 Ngunit iningatan ni Maria ang lahat ng mga salitang ito at pinagbubulay-bulayan sa kaniyang puso.20 At ang mga pastol ng tupa ay bumalik na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos sa lahat ng mga bagay na kanilang narinig at nakita ayon sa sinabi sa kanila. Psalm 704 Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo; at magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan: Dakilain ang Dios. | |








