8 Sa lupain ding iyon ay may mga pastol ng tupa na nananatili sa parang at sa gabi ay nagbabantay sa kanilang kawan.9 Narito, tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila, kaya sila ay labis na natakot.10 At sinabi ng anghel sa kanila, “Huwag kayong matakot. Narito, ipinapahayag ko sa inyo ang ebanghelyo ng malaking kagalakan na darating sa lahat ng tao11 sapagkat sa araw na ito sa lungsod ni David ay ipinanganak sa inyo ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.12 At ito ang palatandaan sa inyo, matatagpuan ninyo ang sanggol na nakabalot na ng mahabang tela, na nakahiga sa sabsaban.”13 At biglang lumitaw kasama ng anghel ang napakaraming makalangit na hukbo na nagpupuri sa Diyos, na sinabi,14 “Kaluwalhatian sa Diyos sa kataas-taasan, at kapayapaan sa lupa, kaluguran para sa mga tao!”