Ilmoittautuminen
| Secondary Keywords | buhay hakbang Jeesus Jeesus maaga Maria Ministeriö pagpapahayag pahimakas panganganak upo Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 1:26-38 |
Luke 126 Sa ikaanim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos, sa isang lungsod ng Galilea na ang pangalan ay Nazaret,27 sa isang birhen na ipinagkasundong mapangasawa ng lalaki na ang pangalan ay Jose na mula sa angkan ni David. At ang pangalan ng birhen ay Maria.28 Paglapit ng anghel sa kaniya ay sinabi nito, “Magalak ka, ikaw na pinagpala! Ang Panginoon ay sumasaiyo. Pinagpala ka sa mga kababaihan.”29 Nang makita ni Maria ang anghel, siya ay naguluhan sa sinabi nito at pinagbulayan kung anong uri ng pagbati ito.30 Sinabi ng anghel sa kaniya, “Maria, huwag kang matakot sapagkat nakasumpong ka ng biyaya mula sa Diyos.31 Narito, ikaw ay maglilihi sa iyong sinapupunan at manganganak ng isang lalaki at ang pangalang itatawag mo sa kaniya ay Jesus.32 Siya ay magiging dakila at siya ay tatawaging Anak ng Kataas-taasan at ibibigay ng Panginoong Diyos sa kaniya ang trono ng kaniyang amang si David.33 Siya ay maghahari sa sambahayan ni Jacob magpakailanman at ang kaniyang paghahari ay hindi magwawakas.”34 Ngunit sinabi ni Maria sa anghel, “Paano ito mangyayari yamang ako ay walang nakikilalang lalaki?”35 Subalit ang anghel ay sumagot at sinabi sa kaniya, “Darating sa iyo ang Banal na Espiritu, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay lililim sa iyo, at dahil dito, ang Banal na ito na iyong ipapanganak ay tatawaging Anak ng Diyos.36 Narito, si Elisabet na iyong pinsan ay naglihi rin ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan at ikaanim na buwan na ito sa kaniya na tinawag na baog,37 sapagkat walang hindi matutupad sa lahat ng sinabi ng Diyos.”38 At sinabi ni Maria, “Narito, ang babaing alipin ng Panginoon! Mangyari nawa sa akin ang ayon sa iyong salita.” At siya ay iniwan ng anghel. | |








