12 Pagkalooban ka lamang ng Panginoon ng pagmumunimuni, at pagkakilala, at bigyan ka niya ng bilin tungkol sa Israel; na anopa't iyong maingatan ang kautusan ng Panginoon mong Dios.
1 Peter 3
4 Sa halip ay gayakan ninyo ang panloob na pagkatao sa inyong puso ng hindi nasisirang gayak ng maamo at mapayapang espiritu na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos.
Colossians 1
9 Dahil dito, mula nang araw na narinig namin ito, kami rin ay hindi tumigil sa pananalangin para sa inyo at humihiling na kayo ay mapuspos ng kaalaman ng kaniyang kalooban sa lahat ng karunungan at sa espirituwal na pang-unawa,
Daniel 2
47 Ang hari ay sumagot kay Daniel, at nagsabi, Sa katotohanan ang inyong Dios ay Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga hari, at tagapaghayag ng mga lihim, yamang ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito.
Job 28
28 At sa tao ay sinabi niya, Narito, ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan; at ang paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.
Proverbs 1
7 Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.
Psalm 111
10 Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.