24 At dumating sa Efeso ang isang Judio na ang pangalan ay Apollos na ipinanganak sa Alexandria, isang lalaking mahusay magsalita at may kakayahan sa mga Kasulatan.25 Ang lalaking ito ay naturuan na sa Daan ng Panginoon. At yamang siya ay nagniningas sa espiritu, siya ay nagsasalita at nagtuturo nang wastong mga bagay patungkol sa Panginoon, kahit na ang nalalaman lamang niya ay ang bawtismo ni Juan.26 Siya ay nagsimulang magsalita na may buong katapangan sa sinagoga. At nang siya ay narinig nina Aquila at Priscila, siya ay isinama nila at ipinaliwanag nang mas wasto ang Daan ng Panginoon sa kaniya.