13 Dahil dito, kunin ninyo ang buong baluti ng Diyos upang sa masamang araw ay makayanan ninyong tumayo laban sa kaaway, at tumayo pagkagawa ninyo ng lahat ng mga bagay.
Matthew 24
6 At magsisimula na kayong makarinig ng mga digmaan at ng mga balita ng mga digmaan. Masdan ninyo, huwag kayong mangamba sapagkat ang mga bagay na ito ay kinakailangang mangyari ngunit hindi pa ito ang wakas7 sapagkat babangon ang isang bansa laban sa isang bansa at ang isang kaharian laban sa isang kaharian. At magkakaroon ng mga taggutom at mga salot at mga lindol sa iba't ibang lugar.
Revelation 16
14 sapagkat sila ang mga espiritu ng mga demonyo, na gumagawa ng mga tanda, na lumabas patungo sa mga hari ng daigdig at ng buong sanlibutan upang sila ay tipuning sama-sama para sa digmaan ng dakilang araw na iyon ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Revelation 16
16 At sila ay kaniyang tinipong sama-sama sa dakong tinatawag na Armagedon sa wikang Hebreo.