7 dumating ang isang Samaritana upang sumalok ng tubig. Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bigyan mo ako ng maiinom”8 (dahil ang kaniyang mga alagad ay pumunta na sa lungsod upang bumili ng pagkain).9 Kaya sinabi sa kaniya ng Samaritana, “Papaanong ikaw, bilang Judio, ay humihingi ng maiinom sa akin na isang Samaritana?” Sapagkat hindi nakikipag-ugnayan ang mga Judio sa mga Samaritano.10 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Kung alam mo ang kaloob ng Diyos at kung sino siya na nagsasabi sa iyo, ‘Bigyan mo ako ng maiinom,’ hihiling ka sa kaniya at ibibigay niya sa iyo ang tubig ng buhay.”