1 Kahit ako ay magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, ngunit ako ay walang pag-ibig, ako ay naging katulad ng tansong umaalingawngaw o kumakalansing na pompiyang.2 At kahit ako ay magkaroon ng kaloob ng pagpapahayag at malaman ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng kaalaman, at kahit ako ay magkaroon ng lahat ng pananampalataya upang ilipat ko ang mga bundok, ngunit ako ay walang pag-ibig, ako ay walang kabuluhan.3 At kahit ipamigay ko bilang pagkain ng mahihirap ang lahat kong pag-aari at kahit ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, ngunit ako ay walang pag-ibig, ako ay walang napakikinabangan.4 Ang pag-ibig ay nagtitiyaga at gumagawa ng kabutihan. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi ipinagyayabang ang sarili, hindi nagmamalaki,5 hindi nag-aasal ng hindi nararapat, hindi naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nagpaparatang ng masama,6 hindi nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan,7 binabata ang lahat ng mga bagay, naniniwala sa lahat ng mga bagay, umaasa sa lahat ng mga bagay at tinitiis ang lahat ng mga bagay.8 Ang pag-ibig ay hindi napupuksa. Ngunit kahit mayroong mga paghahayag, ang mga ito ay lilipas. Kahit mayroong mga wika, ang mga ito ay titigil. Kahit mayroong kaalaman, ito ay lilipas9 sapagkat ang aming nalalaman ay bahagi lamang at kami ay naghahayag ng bahagi lamang.10 Ngunit kapag yaong ganap ay dumating, ang bahagi na iyon ay lilipas.11 Nang ako ay bata pa, ako ay nagsasalita katulad ng bata, ako ay nag-iisip katulad ng bata, ako ay nangangatwiran katulad ng bata. Ngunit nang ako ay nasa gulang na, iniwan ko na ang mga bagay na pambata12 dahil sa ngayon ay malabo ang ating nakikita sa pamamagitan ng salamin, ngunit pagkatapos nito ay makikita natin nang harapan. Sa ngayon ang aking nalalaman ay bahagi lamang, ngunit pagkatapos nito ay lubos akong makakakilala kung paano rin ako ay lubos na nakilala.13 At sa ngayon ay nananatili ang tatlong ito, ang pananampalataya, ang pag-asa at ang pag-ibig. Ngunit ang pag-ibig ang pinakadakila sa mga ito.