15 At nangyari, nang sila ay iniwan ng mga anghel patungo sa langit, ang mga lalaking pastol ng tupa ay nagsabi sa isa't isa, “Kailangang makapunta tayo hanggang sa Bethlehem at matingnan natin itong pahayag na nangyari, na ipinaalam sa atin ng Panginoon.”16 At sila ay nagmadaling pumaroon at kanilang natagpuan si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.17 At nang ito ay kanilang nakita, kanilang ipinamalita ang sinabi sa kanila patungkol sa sanggol na ito.18 At ang lahat ng mga nakarinig nito ay namangha sa mga sinabi sa kanila ng mga pastol ng tupa.19 Ngunit iningatan ni Maria ang lahat ng mga salitang ito at pinagbubulay-bulayan sa kaniyang puso.20 At ang mga pastol ng tupa ay bumalik na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos sa lahat ng mga bagay na kanilang narinig at nakita ayon sa sinabi sa kanila.