Bagong Jerusalem
| Avainsanat | ginintuan Ilmoitus Jerusalem lungsod pilvet taivaallinen taivas |
|---|---|
| Secondary Keywords | kabisera maliwanag Uusi uusi uusi |
| Mga Banal na Kasulatan | Revelation 21:1-3 Revelation 21:9-10 Revelation 3:12 |
Revelation 211 At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa, sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na at ang dagat ay wala na.2 At ako, si Juan, nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababang nagmula sa Diyos mula sa langit na nakahanda katulad ng isang babaing ikakasal na ginayakan para sa kaniyang asawa.3 Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit, na sinasabi, “Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao at siya ay mananahang kasama nila, at sila ay magiging kaniyang bayan at siya mismo ang magiging Diyos na kasama nila at magiging kanilang Diyos. Revelation 219 At ang isa sa pitong anghel na nagtataglay ng pitong mangkok na punung-puno ng pitong huling mga salot ay pumunta sa akin at siya ay nagsalita sa akin na sinasabi, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang babaing ikakasal, ang asawa ng Kordero.”10 At ako ay dinala niya sa pamamagitan ng Espiritu patungo sa isang dakila at mataas na bundok, at ipinakita niya sa akin ang dakilang lungsod, ang banal na Jerusalem na bumababa mula sa langit, na nagmula sa Diyos, Revelation 312 Siya na nagtatagumpay ay gagawin kong haligi sa banal na dako ng templo ng aking Diyos at siya ay hinding-hindi na lalabas kailanman. Isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bumababa galing sa langit mula sa aking Diyos, gayundin ang aking bagong pangalan. | |








