Bagong Jerusalem na bumababa
| Avainsanat | Zion |
|---|---|
| Secondary Keywords | jerusalem kristal lungsod maliwanag mga ulap propesiya sakyan Uusi uusi uusi |
| Mga Banal na Kasulatan | 2:32 Galatians 4:26 Hebrews 12:22 Isaiah 18:7 Isaiah 24:23 Isaiah 2:3 Isaiah 4:5 Isaiah 8:18 Micah 4:2 Micah 4:7 Obadiah 1:17 Obadiah 1:21 Psalms 125:1 Psalms 2:6 Psalms 48:2 Revelation 21:2 Revelation 21:9-27 Revelation 3:12 Zechariah 8:3 Galatians 426 Ngunit ang Jerusalem sa itaas ay malaya, na siyang ina nating lahat, Hebrews 1222 Subalit kayo ay nakalapit na sa bundok ng Zion at sa lungsod ng Diyos na buhay, sa makalangit na Jerusalem at sa hindi mabilang na mga anghel Isaiah 187 Sa panahong yao'y dadalhin ang isang kaloob sa Panginoon ng mga hukbo ng mga taong matataas at makikisig, at mula sa bayang kakilakilabot na mula sa kanilang pasimula hanggang sa haharapin; isang bansa na sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog, sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, na bundok ng Sion. Isaiah 2423 Kung magkagayo'y malilito ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay maghahari sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian. Isaiah 23 At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem. Isaiah 45 At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion, at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang ulap at usok sa araw, at ng liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka't sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo. Isaiah 818 Narito, ako at ang mga anak na ibinigay ng Panginoon sa akin ay mga pinakatanda at pinaka kababalaghan sa Israel na mula sa Panginoon ng mga hukbo, na tumatahan sa bundok ng Sion. Joel 232 At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagka't sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng sinabi ng Panginoon, at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon. Micah 42 At maraming bansa'y magsisiparoo't mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya'y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka't sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem; Micah 47 At aking gagawin ang pilay na isang nalabi, at ang natapon sa malayo na isang matibay na bansa: at ang Panginoon ay maghahari sa kanila sa bundok ng Sion mula ngayon hanggang sa walang hanggan. Obadiah 117 Nguni't sa bundok ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pag-aari. Obadiah 121 At ang mga tagapagligtas ay magsisisampa sa bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau; at ang kaharian ay magiging sa Panginoon. Psalm 1251 Silang nagsisitiwala sa Panginoon ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man. Psalm 26 Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion. Psalm 482 Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari. Revelation 212 At ako, si Juan, nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababang nagmula sa Diyos mula sa langit na nakahanda katulad ng isang babaing ikakasal na ginayakan para sa kaniyang asawa. Revelation 219 At ang isa sa pitong anghel na nagtataglay ng pitong mangkok na punung-puno ng pitong huling mga salot ay pumunta sa akin at siya ay nagsalita sa akin na sinasabi, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang babaing ikakasal, ang asawa ng Kordero.” 10 At ako ay dinala niya sa pamamagitan ng Espiritu patungo sa isang dakila at mataas na bundok, at ipinakita niya sa akin ang dakilang lungsod, ang banal na Jerusalem na bumababa mula sa langit, na nagmula sa Diyos, 11 na tinataglay ang kaluwalhatian ng Diyos, at ang kaniyang liwanag ay katulad sa isang napakahalagang batong katulad ng isang kristal na batong haspe. 12 Ito ay mayroon ding malaki at mataas na pader na may labindalawang tarangkahan at sa mga tarangkahan ay may labindalawang mga anghel, at doon ay may nakaukit na mga pangalan ng labindalawang lipi ng mga anak ni Israel. 13 Sa bahaging silangan ay tatlong tarangkahan, sa bahaging hilaga ay tatlong tarangkahan, sa bahaging timog ay tatlong tarangkahan at sa bahaging kanluran ay tatlong tarangkahan. 14 At ang pader ng lungsod ay may labindalawang saligan at ang labindalawang pangalan ng mga apostol ng Kordero ay nasa kanila. 15 At siya na nagsalita sa akin ay may isang gintong panukat upang kaniyang sukatin ang lungsod at ang mga tarangkahan nito at ang pader nito. 16 At ang lungsod ay nakalatag sa parisukat at kung gaano ang haba nito ay gayundin ang lawak nito. At sa pamamagitan ng panukat ay kaniyang sinukat ang lungsod: labindalawang libong estadya°. Ang haba, ang luwang at ang taas nito ay magkakasing-sukat. 17 At kaniyang sinukat ang pader nito: isandaan at apatnapu't apat na siko°, ayon sa sukat ng tao, na sukat din ng anghel. 18 At ang pader nito ay yari sa batong haspe at ang lungsod ay dalisay na ginto katulad ng malinaw na salamin. 19 At ang mga saligan ng pader ng lungsod ay nagayakan ng lahat ng uri ng mga mahalagang bato: ang una ay batong haspe, ang pangalawa ay batong sapiro, ang pangatlo ay batong kalsedoniya, ang pang-apat ay batong esmeralda, 20 ang panlima ay batong onise, ang pang-anim ay batong kornalina, ang pangpito ay batong krisolito, ang pangwalo ay batong berilo, ang pangsiyam ay batong topas, ang pangsampu ay batong krisopraso, ang panlabing-isa ay batong hasinto at ang panlabindalawa ay batong amatista. 21 At ang labindalawang tarangkahan ay labindalawang perlas: ang bawat isang tarangkahan ay yari sa perlas at ang lansangan ng lungsod ay dalisay na ginto katulad ng salaming nalalagos ng paningin. 22 At ako ay walang nakitang banal na dako sa lungsod sapagkat ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero ay ang banal na dako nito. 23 At ang lungsod ay hindi nangangailangan ng araw o ng buwan upang magliwanag doon sapagkat ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagliliwanag sa lungsod at ang Kordero ang ilawan nito. 24 At ang mga bansa niyaong mga iniligtas ay maglalakad sa liwanag nito at dinadala rito ng mga hari ng daigdig ang kanilang kaluwalhatian at karangalan. 25 At ang mga tarangkahan ng lungsod ay hinding-hindi maisasara sa araw sapagkat wala ng gabi roon. 26 At kanilang dadalhin ang kaluwalhatian at karangalan ng mga bansa sa lungsod. 27 At kailanman ay hindi makakapasok doon ang anumang marumi at ang sinumang gumagawa ng kasuklam-suklam at ng kasinungalingan kundi yaong ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero. Revelation 312 Siya na nagtatagumpay ay gagawin kong haligi sa banal na dako ng templo ng aking Diyos at siya ay hinding-hindi na lalabas kailanman. Isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bumababa galing sa langit mula sa aking Diyos, gayundin ang aking bagong pangalan. Zechariah 83 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Sion, at tatahan ako sa gitna ng Jerusalem: at ang Jerusalem ay tatawagin, Bayan ng katotohanan; at ang bundok ng Panginoon ng mga hukbo, Ang banal na bundok. |