13 Sa panahong iyon, mula sa Galilea patungong Jordan, si Jesus ay pumunta kay Juan upang magpabawtismo sa kaniya.14 Ngunit siya ay pinigilan ni Juan na nagsasabi, “Ako ang may kailangan na iyong bawtismuhan, subalit ikaw ang lumalapit sa akin.”15 Ngunit sumagot si Jesus sa kaniya na sinabi, “Payagan mo na ito ay mangyari ngayon sapagkat ganito ang nararapat sa atin upang tuparin ang buong katuwiran.” Kaya pumayag si Juan.16 At nang si Jesus ay nabawtismuhan, kaagad siyang umahon mula sa tubig, at narito, nabuksan ang kalangitan sa kaniya at nakita ni Juan ang Espiritu ng Diyos na bumababang katulad ng isang kalapati at dumadapo kay Jesus.