Bartimaeus
| Secondary Keywords | Bartimeo bulag Jeesus Jeesus pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 18:35-43 Marcos 10:46-52 Matthew 20:29-34 |
Luke 1835 At nangyari, na habang siya ay papalapit sa Jerico ay may isang lalaking bulag na nagpapalimos na nakaupo sa tabi ng daan.36 Nang narinig niya ang maraming taong dumadaan, tinanong niya kung ano kaya ito.37 At ibinalita nila sa kaniya na si Jesus na taga-Nazaret ay dumadaan.38 Kaya siya ay sumigaw na sinasabi, “Jesus, Anak ni David, kahabagan mo ako.”39 At sila na mga nauuna ay sinaway siya upang siya ay manahimik, ngunit lalung-lalo pa siyang sumigaw, “Anak ni David, kahabagan mo ako.”40 At nang tumigil si Jesus ay iniutos niya na dalhin siya sa kaniya. At nang lumapit ang bulag, siya ay tinanong ni Jesus41 na sinasabi, “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” At sinabi niya, “Panginoon, ibig kong makakita.”42 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tanggapin mo ang iyong paningin. Pinagaling ka na ng iyong pananampalataya.”43 At siya ay nakakita kaagad at sumunod sa kaniya na niluluwalhati ang Diyos, at ang lahat ng mga taong nakakita ay nagbigay ng papuri sa Diyos. Mark 1046 At sila ay dumating sa Jerico. At nang si Jesus ay papalabas sa Jerico kasama ang kaniyang mga alagad at ang napakaraming tao, ang bulag na si Bartimeo na anak ni Timeo ay nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos.47 At nang narinig niya na si Jesus na taga-Nazaret ay naroroon, nagsimula siyang sumigaw at sinabi, “Jesus, Anak ni David, mahabag ka sa akin!”48 At marami ang sumaway sa kaniya upang mapatahimik siya ngunit lalo pa siyang sumigaw, “Anak ni David, mahabag ka sa akin.”49 At nang huminto si Jesus, sinabi niya na tawagin siya. At tinawag nila ang bulag na sinasabi sa kaniya, “Lakasan mo ang iyong loob. Tumindig ka, tinatawag ka ni Jesus.”50 At pagkatapon niya ng kaniyang balabal, siya ay tumayo at lumapit kay Jesus.51 Kaya sumagot si Jesus na sinabi sa kaniya, “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” At ang bulag ay nagsabi sa kaniya, “Rabbi, ang mapanumbalik ang aking paningin.”52 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Humayo ka, ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo.” At kaagad napanumbalik ang paningin ng bulag at siya ay sumunod kay Jesus sa daan. Matthew 2029 Habang sila ay papalabas sa Jerico, sumunod sa kaniya ang lubhang napakaraming tao.30 Narito, may dalawang lalaking bulag ang nakaupo sa tabi ng daan. Nang narinig nilang dumadaan si Jesus, sila ay sumigaw na sinasabi, “Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa amin!”31 At sila ay sinaway ng napakaraming tao upang sila ay tumahimik, ngunit lalo pa silang sumigaw na sinasabi, “Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa amin!”32 Kaya si Jesus ay huminto at tinawag sila at sinabi, “Ano ang ninanais ninyong gawin ko sa inyo?”33 Sinabi nila sa kaniya, “Panginoon, ang mabuksan ang aming mga paningin.”34 Kaya si Jesus ay nahabag sa kanila at hinawakan ang kanilang mga mata. At kaagad nanumbalik ang kanilang mga paningin at sumunod sa kaniya. | |








