13 hanggang sa maabot nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya at ng kaalaman sa Anak ng Diyos, hanggang sa maging ganap patungo sa sukat ng antas ng paglago sa kapuspusan kay Cristo.14 Ito ay upang huwag na tayo maging mga bata na natatangay-tangay at nadadala-dala ng bawat hangin ng katuruan sa pandaraya ng mga tao at ng katusuhan patungo sa mapanlinlang na kaparaanan.