Batang pastol
| Avainsanat | anghel Belen gabi Lampaat Lapsilapsen lapsi lapsi naghahanap up Paimen Pasko Poika poika Tähdet Tähti tähti tupa |
|---|---|
| Secondary Keywords | itim kunniaa |
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 2:8-15 Numbers 2:17 |
Luke 28 Sa lupain ding iyon ay may mga pastol ng tupa na nananatili sa parang at sa gabi ay nagbabantay sa kanilang kawan.9 Narito, tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila, kaya sila ay labis na natakot.10 At sinabi ng anghel sa kanila, “Huwag kayong matakot. Narito, ipinapahayag ko sa inyo ang ebanghelyo ng malaking kagalakan na darating sa lahat ng tao11 sapagkat sa araw na ito sa lungsod ni David ay ipinanganak sa inyo ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.12 At ito ang palatandaan sa inyo, matatagpuan ninyo ang sanggol na nakabalot na ng mahabang tela, na nakahiga sa sabsaban.”13 At biglang lumitaw kasama ng anghel ang napakaraming makalangit na hukbo na nagpupuri sa Diyos, na sinabi,14 “Kaluwalhatian sa Diyos sa kataas-taasan, at kapayapaan sa lupa, kaluguran para sa mga tao!”15 At nangyari, nang sila ay iniwan ng mga anghel patungo sa langit, ang mga lalaking pastol ng tupa ay nagsabi sa isa't isa, “Kailangang makapunta tayo hanggang sa Bethlehem at matingnan natin itong pahayag na nangyari, na ipinaalam sa atin ng Panginoon.” Numbers 217 Kung magkagayon, ang tabernakulo ng kapisanan ay susulong na kaakbay ng kampamento ng mga Levita sa gitna ng mga kampamento: ayon sa kanilang pagkahantong, ay gayon sila magsisisulong, na bawa't lalake ay sa kanikaniyang sariling dako, sa siping ng kanilang mga watawat. | |








