45 “Kung gayon, sino ang matapat at matalinong alipin na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sambahayan upang magbigay sa kanila ng pagkain sa takdang panahon?46 Pinagpala ang aliping iyon, na sa pagdating ng kaniyang panginoon ay matatagpuang gumagawa nang gayon.47 Katotohanang sinasabi ko sa inyo na siya ay kaniyang pamamahalain sa lahat ng kaniyang mga tinatangkilik.48 Ngunit kapag sasabihin ng masamang aliping iyon sa kaniyang puso, ‘Ipinagpapaliban ng aking panginoon ang kaniyang pagdating,’49 at sisimulan niyang paluin ang kaniyang mga kapwa alipin, at kakain at iinom kasama ng mga manginginom,50 ang panginoon ng aliping iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya nalalaman.51 At siya ay hahatiin at ang kaniyang bahagi ay itatalaga kasama ng mga mapagpaimbabaw. Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.