1 At ako ay nakatayo sa buhangin ng dagat at nakita ko na umaahon mula sa dagat ang isang mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay at sa mga sungay nito ay may sampung putong at sa mga ulo nito ay may pangalan ng paglapastangan.2 At ang mabangis na hayop na aking nakita ay katulad sa isang leopardo at ang mga paa nito ay katulad ng sa oso at ang bibig nito ay katulad ng bibig ng leon. At ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan at ang kaniyang luklukan at dakilang kapamahalaan.