Katso minun käteni
| Secondary Keywords | alagad itaas Jeesus Jeesus kuwarto mga kamay muling pagkabuhay pahimakas Pasko ng Pagkabuhay tingnan Ulkonäkö Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 20:19-25 Lucas 24:36-49 Marcos 16:14 |
John 2019 Kaya kinagabihan ng araw na iyon, sa unang araw ng sanlinggo, at nakapinid na ang mga pinto sa pinagtitipunan ng mga alagad, dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila at sinabi sa kanila, “Kapayapaan ang sumainyo.”20 At pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at kaniyang tagiliran, kaya nagalak ang mga alagad nang nakita nila ang Panginoon.21 Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, “Kapayapaan ang sumainyo. Kung paano ako isinugo ng Ama ay gayundin isinusugo ko kayo.”22 Pagkasabi niya nito, hiningahan niya sila at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu.23 Ang kaninumang mga kasalanan na inyong ipapatawad ay ipinapatawad iyon sa kanila. Ang kasalanan ninuman na inyong pinananatili ay nananatili.”24 Subalit si Tomas na isa sa labindalawa, na tinatawag na Didymus, ay hindi nila kasama nang dumating si Jesus.25 Kaya sinabi sa kaniya ng ibang mga alagad, “Nakita namin ang Panginoon.” Subalit sinabi niya sa kanila, “Maliban na makita ko ang bakas ng mga pako sa kaniyang mga kamay at maipasok ko ang aking daliri sa bakas ng mga pako at maipasok ko ang aking kamay sa butas ng kaniyang tagiliran, hinding-hindi ako maniniwala.” Luke 2436 Ngunit habang sinasabi nila ang mga bagay na ito, si Jesus mismo ay tumayo sa kalagitnaan nila at sinabi sa kanila, “Kapayapaan ang sumainyo.”37 Subalit sila ay nagulat at natakot, at inaakala nilang nakakita sila ng espiritu.38 At sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo naguguluhan? At anong dahilan na dumarating ang mga pag-aalinlangan sa inyong mga puso?39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa sapagkat ako mismo ito. Hawakan ninyo ako at tingnan sapagkat ang espiritu ay walang laman at buto katulad ng nakikita ninyo na mayroon ako.”40 At pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at mga paa.41 Ngunit habang hindi pa sila makapaniwala dahil sa galak at pagkamangha, sinabi niya sa kanila, “Mayroon ba kayong anumang pagkain dito?”42 At siya ay binigyan nila ng bahagi ng inihaw na isda at pulot mula sa bahay-pukyutan.43 At kinuha niya ito at kumain siya sa harapan nila.44 At sinabi niya sa kanila, “Ito ang mga salitang sinabi ko sa inyo nang ako ay kasama pa ninyo na dapat maganap ang lahat ng mga bagay na nasusulat sa mga Kautusan ni Moises at sa mga aklat ng mga Propeta at sa mga awit patungkol sa akin.”45 Pagkatapos ay binuksan niya ang kanilang mga pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan.46 At sinabi niya sa kanila, “Sa ganitong paraan ito ang nasusulat at sa ganitong paraan ang Cristo ay kinakailangang dumanas ng paghihirap subalit babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw.47 At upang ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan sa kaniyang pangalan ay maihayag sa lahat ng mga bansa simula sa Jerusalem.48 At kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.49 Kaya narito, ipinapadala ko ang pangako ng aking Ama sa inyo. Ngunit kayo ay manatili sa lungsod ng Jerusalem hanggang sa kayo ay mabihisan ng kapangyarihang mula sa itaas.” Mark 1614 Pagkatapos nito, nagpakita siya sa labing-isa habang sila ay nakahilig sa may hapag at sinumbatan niya ang kanilang kawalan ng pananampalataya at katigasan ng puso sapagkat hindi nila pinaniwalaan yaong mga nakakita na siya ay ibinangon na. | |








