11 sapagkat sa araw na ito sa lungsod ni David ay ipinanganak sa inyo ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.12 At ito ang palatandaan sa inyo, matatagpuan ninyo ang sanggol na nakabalot na ng mahabang tela, na nakahiga sa sabsaban.”13 At biglang lumitaw kasama ng anghel ang napakaraming makalangit na hukbo na nagpupuri sa Diyos, na sinabi,14 “Kaluwalhatian sa Diyos sa kataas-taasan, at kapayapaan sa lupa, kaluguran para sa mga tao!”15 At nangyari, nang sila ay iniwan ng mga anghel patungo sa langit, ang mga lalaking pastol ng tupa ay nagsabi sa isa't isa, “Kailangang makapunta tayo hanggang sa Bethlehem at matingnan natin itong pahayag na nangyari, na ipinaalam sa atin ng Panginoon.”16 At sila ay nagmadaling pumaroon at kanilang natagpuan si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.