8 At nang sila ay pinapunta niya sa Bethlehem at sinabi niya, “Pumaroon kayo at ipagtanong ninyo nang buong sikap ang patungkol sa bata. At kapag siya ay matagpuan ninyo, balitaan ninyo ako upang ako ay makapunta at sambahin din siya.”9 Pagkarinig nila sa hari, sila ay nagpatuloy sa paglalakbay. Narito, ang bituin na kanilang nakita sa silanganan ay nauna sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil ito sa tapat ng kinaroroonan ng bata.10 Nang nakita nila ang bituin, sila ay nagalak nang labis na kagalakan.