26 Sa ikaanim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos, sa isang lungsod ng Galilea na ang pangalan ay Nazaret,27 sa isang birhen na ipinagkasundong mapangasawa ng lalaki na ang pangalan ay Jose na mula sa angkan ni David. At ang pangalan ng birhen ay Maria.28 Paglapit ng anghel sa kaniya ay sinabi nito, “Magalak ka, ikaw na pinagpala! Ang Panginoon ay sumasaiyo. Pinagpala ka sa mga kababaihan.”