11 Ang mga taga-Berea ay higit na mararangal kaysa sa mga taga-Tesalonica yamang tinanggap nila ang salita ng buong sigasig at sinaliksik ang mga Kasulatan araw-araw kung gayon nga ang mga bagay na ito.
Deuteronomy 17
19 At mamamalagi sa kaniya, at kaniyang babasahin sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay: upang siya'y magaral na matakot sa Panginoon niyang Dios, upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito at ng mga palatuntunang ito;
Ephesians 3
17 upang si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya, at upang kayo na nag-ugat at natatag sa pag-ibig
Isaiah 34
16 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
John 5
39 Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan sapagkat iniisip ninyong sa mga iyon kayo ay may buhay na walang hanggan, at ang mga iyon ang nagpapatotoo patungkol sa akin,