Raamatun tutkimus
| Secondary Keywords | buhay Jeesus Jeesus kaalaman Kirjoituksia Mies Nainen nainen opetuksen opettamista pag-aaral panalangin profetia Raamattu |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 2 Timothy 3:16-17 Hebrews 4:12 Joshua 1:8 Juan 1:1 Juan 8:32 Psalms 119:105 Revelation 1:3 Romans 15:4 |
2 Timothy 316 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, sa pagsasanay sa katuwiran17 upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, lubos na naihanda sa bawat mabuting gawa. Hebrews 412 sapagkat ang salita ng Diyos ay buhay at makapangyarihan at higit na matalas kaysa sa anumang tabak na may dalawang talim at tumatagos hanggang sa pagkahiwalay ng kaluluwa at ng espiritu at ng kasukasuan at ng utak ng buto at nakakatalos ng mga pag-iisip at ng mga hangarin ng puso. John 11 Sa simula ay naroroon na ang Salita, at ang Salita ay sumasa Diyos at ang Salita ay Diyos. John 832 Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Joshua 18 Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan. Psalm 119105 Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. Revelation 13 Pinagpala siya na nagbabasa at sila na nakikinig sa mga salita ng pahayag at sila na tumutupad sa mga bagay na nakasulat dito sapagkat ang panahon ay malapit na. Romans 154 Dahil ang anumang bagay na isinulat noong una pa ay isinulat noong una pa para sa lalo nating ikatututo, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at kaaliwan ng Kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa. | |








