34 Nang sumagot ang kapon kay Felipe, sinabi niya, “Isinasamo ko sa iyo, patungkol kanino itong sinasabi ng propeta? Patungkol ba sa kaniyang sarili o patungkol sa iba?”35 Pagkatapos nito ibinuka ni Felipe ang kaniyang bibig. At simula sa Kasulatang ito, ipinangaral niya ang ebanghelyo ni Jesus sa kaniya.36 At habang sila ay nasa daan, nakarating sila sa dakong may tubig at sinabi ng kapon, “Tingnan mo, may tubig! Ano ang humahadlang upang ako ay mabawtismuhan?”37 Ngunit sinabi ni Felipe, “Kung sumasampalataya ka ng buong puso ay maaari kang bawtismuhan.” At siya ay sumagot at sinabi, “Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay ang Anak ng Diyos.”38 Kaya iniutos niya na patigilin ang karwahe at lumusong sila sa tubig, kapwa si Felipe at ang kapon, at siya ay kaniyang binawtismuhan.