Binyag
| Secondary Keywords | Joki Jordan Kaste Kasteet kastettu vettä vettä |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Gawa 8:26-39 Marcos 16:16 |
Acts 826 At ang anghel ng Panginoon ay nagsalita kay Felipe na sinasabi, “Tumindig ka at pumaroon ka patungong timog, sa daang pababa mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza.” Ito ay ilang na dako.27 Siya ay tumindig at pumaroon, at narito, isang lalaking taga-Etiopia, isang makapangyarihang kapon na namamahala sa lahat ng kayamanan ni Candace na reyna ng mga taga-Etiopia, ay pumaroon sa Jerusalem upang sumamba28 at siya ay pabalik na. At habang siya ay nakaupo sa kaniyang karwahe, binabasa niya ang propetang Isaias.29 Sinabi ng Espiritu kay Felipe, “Lumapit ka at sumama ka sa karwaheng ito.”30 At nang tumakbong papalapit si Felipe, narinig niyang binabasa nito ang propetang Isaias. At sinabi niya, “Nauunawaan mo bang lubos ang iyong binabasa?”31 Ngunit sinabi niya, “Papaano ko mauunawaan kung walang sinumang gagabay sa akin?” Kaya pinakiusapan niya si Felipe na umakyat upang umupong kasama niya.32 Ang nilalaman ng Kasulatan na binabasa niya ay ito, “Siya ay dinala katulad ng tupa sa katayan at katulad ng kordero na walang imik sa harap ng kaniyang manggugupit. Sa ganoong paraan ay hindi niya ibinuka ang kaniyang bibig.33 Sa kaniyang pagpapakumbaba, ipinagkait sa kaniya ang katarungan. Sino ang maghahayag ng kaniyang lahi? Sapagkat ang kaniyang buhay ay inalis sa lupa.” Isa 53:7-834 Nang sumagot ang kapon kay Felipe, sinabi niya, “Isinasamo ko sa iyo, patungkol kanino itong sinasabi ng propeta? Patungkol ba sa kaniyang sarili o patungkol sa iba?”35 Pagkatapos nito ibinuka ni Felipe ang kaniyang bibig. At simula sa Kasulatang ito, ipinangaral niya ang ebanghelyo ni Jesus sa kaniya.36 At habang sila ay nasa daan, nakarating sila sa dakong may tubig at sinabi ng kapon, “Tingnan mo, may tubig! Ano ang humahadlang upang ako ay mabawtismuhan?”37 Ngunit sinabi ni Felipe, “Kung sumasampalataya ka ng buong puso ay maaari kang bawtismuhan.” At siya ay sumagot at sinabi, “Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay ang Anak ng Diyos.”38 Kaya iniutos niya na patigilin ang karwahe at lumusong sila sa tubig, kapwa si Felipe at ang kapon, at siya ay kaniyang binawtismuhan.39 Ngunit nang umahon sila mula sa tubig, si Felipe ay inagaw ng Espiritu ng Panginoon at hindi na siya nakita ng kapon kaya nagpatuloy ito sa kaniyang paglalakbay na nagagalak. Mark 1616 Siya na sumampalataya at mabawtismuhan ay maliligtas, ngunit siya na hindi sumampalataya ay hahatulan. | |








